Cha Guzman | La Salle Photoshop Tutorials here
 Critics
RF: PASMADO AKO.

Ito siguro ‘yung isang bagay na pilit kong inaagapan, pero ‘di ko talaga ma-agapan. Ewan ko ba, siguro talagang merong mga taong katulad ko na palaging basa ang kamay. Sa tuwing nag eexam ako, 'di ko mahawakan ng ayos ang ballpen dahil dumudulas sa kamay ko, lalo na pag ang ginamit na papel ay brown paper, kitang kita ‘yung basa kong kamay dahil lumalalin sa papel. Hiyang hiya din ako kapag may gustong makipag-apir sa’kin. Sinisikap ko talaga na i-knuckle touch nalang. 

Ito ang dahilan kung bakit hindi ako fan ng “holding hands”. Nahihiya kasi ako sa kapareha ko. Tuyo ‘yung kamay n’ya tapos mababasa lang dahil sa’kin. Saka baka madiri lang din s’ya dahil sa pasmado kong kamay. Siguro dahil sa malimit kong pag cocomputer at pag dra-drawing kaya ako naging pasmado.

Simula bata ganito na eh. Akala ko habang tumatanda ako mawawala, ‘di rin pala. May isang tao dati sa buhay ko na gustong hawakan ang kamay ko. Sabi ko "Ayoko, pasmado kasi ako". Sabi n’ya “Eh ano naman? Cute nga eh, malambot!. ‘Di ko makalimutan ‘yun dahil s’ya lang ‘yung nag-sabi sa’kin ng ganon. Malimit kasi ang sasabihin ng iba “AY GRABE, BASA ANG KAMAY!”. :|

■ Posted 3 years ago with 70 notes
  1. dikongaalam said: Ako din. Pede na nga ata panghugas ng pinggan eh. Loljk =)))
  2. thistaydream reblogged this from sheamnessy
  3. highschoolbabe reblogged this from sheamnessy
  4. twinxmasilungan said: same=(
  5. pangbestfriendlang reblogged this from sheamnessy
  6. wagepalha said: same here. ^^
  7. ayysspacekrim said: ako din.
  8. fat-arse-btch said: aww same here :| Super pasmado
  9. takeoffthecolours reblogged this from sheamnessy
  10. insanejennievie reblogged this from sheamnessy and added:
    /nakakarelate
  11. masayahinako said: Parehas tayo! :| =)))
  12. moonrichan said: same here. Medyo BV nga e. :)
  13. forevertanga reblogged this from sheamnessy
  14. angeloflove13 said: same , pati paa pasmado , mula nung bata :) err